ANG DEMENSIYA SA
REHIYON NG ASYA AT
PASIPIKO: ANG SALOT
AY NARIRITO
P
ANGKALAHATANG
P
AGLALAGOM
N
G
I
SANG
U
LAT
N
G
A
CCESS
E
CONOMICS
P
TY
L
IMITED
PARA SA MGA
M
IYEMBRO
N
G
A
LZHEIMER
’
S
D
ISEASE
I
NTERNATIONAL
S
A
A
SYA
A
T
P
ASIPIKO
21
S
ETYEMBRE
2006
Dementia in the Asia Pacific Region -
TAGALOG
Demensiya sa Asya at Pasipiko:
Ang Salot ay Naririto
1
PAMBUNGAD
Ang 15 miyembrong-organisasyon ng Alzheimer’s Disease International (ADI) sa Asya at
Pasipiko ay nagkaisa sa kanilang pagpupulong sa Singapore noong Mayo 2005 na
gumawa ng isang ulat na tatawag ng pansin sa mga pamahalaan, mga organisasyong
pang-internasyunal at mga ahensiyang pantulong ukol sa salot ng demensiya at ng
panganib na maaari nitong idulot sa mga sistema ng kalusugang pampubliko. Kami ay
inatasang maging Tagapamahala upang mangasiwa ng proyektong ito.
Maliwanag na ang demensiya ay may malubhang mga epekto sa mga buhay ng milyong
mga tao sa buong rehiyon at sa mga gastos sa kalusugang pampubliko. Wala pang lunas
dito subali’t maraming maaaring gawin upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga
taong mayroong demensiya at ng mga pamilyang nag-aalaga sa kanila.
Mahalaga na tanggapin na ang demensiya ay isang napakahalagang isyung
pangkalusugan at sa pamamagitan nito, ay magplano ng aksiyong nararapat gawin. Ang
Deklarasyon ng Kyoto ng ADI ay naglaan ng isang balangkas para malaman ang mga
aksiyong kailangang gawin. Ang mga aksiyon ay dapat na tumugon sa mga
pangangailangan ng mga indibidwal na bansa sa paraaang iginagalang ang kanilang mga
sitwasyong pangkultura, pangsosyal at pang-ekonomiko.
Mahalaga rin na itaguyod ang pagtutulungan sa loob ng rehiyon. May malaking
maibabahagi ang mga bansa sa bawa’t isa sa pagtatayo ng mga epektibong serbisyo ng
pangkalusugan at pangangalaga para sa mga taong mayroong demensiya at sa kanilang
mga pamilya. Isang prayoridad ay ang paggawa ng pagsasaliksik na magpapahusay sa
batayang impormasyon para sa mga serbisyo ng pagpaplano.
Isang pambihirang hakbang na pasulong na ang mga organisasyon para sa Alzheimer’s sa
rehiyon ay nagkaisa na gawin ang ulat na ito at ipamahagi ito batay sa paghahati sa
tungkulin sa pagtataguyod nito. Tapat kaming umaasa na ang ulat na ito ay makakatulong
sa mga gumagawa ng patakaran sa parehong mga antas na pambansa at pang-
internasyonal.
Kami ay nagpapasalamat sa Tsao Foundation at ADI sa kanilang pagbibigay ng pondo
para sa ulat na ito. Nagpapasalamat kami sa Access Economics sa kanilang
propesyonalismo sa paggawa ng ulat na ito.
Glenn Rees
Dr Ang Peng Chye
Mrs Sung-Hee Lee
National Executive Director President
President
Alzheimer’s Australia
Alzheimer’s Singapore
Alzheimer’s South Korea
Demensiya sa Rehiyon ng Asya at
Pasipiko: Ang Salot ay Naririto
2
PANGKALAHATANG PAGLALAGOM
Ang 15 miyembrong-organisasyon ng Alzheimer’s Disease International (ADI) sa Asya at
Pasipiko ay nagkaisa sa kanilang pagpupulong sa Singapore noong Mayo 2005 na
gumawa ng isang ulat na tatawag ng pansin sa mga pamahalaan, mga organisasyong
pang-internasyonal at mga ahensiyang pantulong ukol sa salot ng demensiya at ng
panganib na maaari nitong idulot sa mga sistema ng kalusugang pampubliko.
Lahat ng mga organisasyon ng Alzheimer’s sa rehiyon ay nagkasundo sa nilalaman ng ulat
na ito at sa pamamahagi batay sa paghahatian ng tungkulin sa pagtataguyod nito.
Ang ulat ay
tumitingin sa lahat ng mga aspeto ng salot ng demensiya sa rehiyon ng Asya at
Pasipiko;
nagpapaliwanag kung ano ang demensiya at ang mga kinikilalang sanhi ng
panganib ng demensiya;
nagsasaalang-alang ng kasalukuyang datos ng hirap ng sakit at mga pagtatantiya
sa hinaharap;
nagbibigay ng mga pagtatantiya sa pagkalat ng demensiya sa bawa’t bansa;
nagsasaalang-alang ng mga epektong pang-ekonomiko at pangsosyal ng
demensiya;
nagpapaliwanag ng mga matipid at epektibong pamamagitan at ang maaaring
makuhang mga balangkas ng patakaran; at
gumagawa ng mga rekomendasyon para sa mga aksiyong dapat gawin.
Ginamit sa pagsusuri ang mga pinaunlad na datos sa mundo dahil sa kakulangan ng
maaaring makuhang mga datos sa Asya at Pasipiko.
Ang ulat ay pinondohan ng Tsao Foundation at ADI.
Mga katotohanan
Ang 15 miyembrong-organisasyon ng ADI sa Asya at Pasipiko ay matatagpuan sa
Australya, Tsina, TADA, Taipei, Hong Kong SAR, Indiya, Indonesia, Hapon, Malaysia, New
Zealand, Pakistan, Pilipinas, Singapore, Timog Korea, Sri Lanka at Thailand.
Kabilang sa pagsusuring ito ang mga bansa ng Bangladesh, Bhutan, Brunei Darussalam,
Cambodia, Macao, ang Republikang Demokratiko ng mga Mamamayan ng Korea,
Silangang Timor (Timor Leste), Laos, Myanmar, Nepal, Papua New Guinea at Vietnam.
Batay sa datos ng Mga Nagkakaisang Bansa (United Nations), ang kabuuang populasyon
ng rehiyon sa taong 2005 ay tinantiya na nasa 3.58 bilyong katao. Ang populasyon ng higit
sa 65 taong-gulang ay tinantiya na nasa 238.9 milyon, at 37.2 milyung katao ang higit sa
80 taong-gulang. Mayroong malaking pagkakaiba sa mga ekonomiya, wika at relihiyon.`
Ang demensiya ay isang grupo ng mga sakit na may katangian na pagkawala ng memorya
sa maikling panahon, ng ibang mga kahusayan sa pag-iisip at ng pang-araw-araw na
pagganap sa mga tungkulin. Ang sakit na Alzheimer’s at demensiya sa daluyan ng dugo
ang mga pangkaraniwang tipo ng demensiya.
Demensiya sa Asya at Pasipiko:
Ang Salot ay Naririto
3
Ang bilang ng mga mayroong demensiya sa rehiyon ng Asya at Pasipiko ay tataas mula sa
13.7 milyong katao sa taong 2005 hanggang 64.6 milyong katao bago dumating ang taong
2050.
KABUUANG PAGLAGANAP
:
TSINA
,
INDIYA AT IBANG REHIYON
,
2005-50
0
10
20
30
40
50
60
70
2005 2010 20152020202520302035204020452050
Iba pa
Indiya
Tsina
milyon
Ang bilang ng mga bagong kaso ng demensiya sa rehiyon ay tinatantiyang tataas mula sa
4.3 milyong bagong kaso bawa’t taon sa taong 2005 hanggang 19.7 milyong bagong kaso
bago dumating ang taong 2050.
PAGLAGANAP AT PANGYAYARI
,
ADI ASYA AT PASIPIKO AT HINDI
-
ADI ASYA AT PASIPIKO
2005 2020 2050
‘000
mga
tao
Paglaganap Pangyayari Paglaganap Pangyayari Paglaganap Pangyayari
Australia
195.4 60.2 301.3 91.1 664.1 199.7
China
(inc
Macao)
5,541.2 1,721.0 9,596.3 2,916.7 27,004.4 8,269.0
Hong
Kong
SAR
59.7 18.5 109.2 32.6 332.0 99.6
India
3,248.5 1,026.8 5,541.8 1,714.4 16,290.1 4,974.6
Indonesia
606.1 191.4 1,016.8 314.1 3,042.0 932.0
Japan
1,871.2 570.2 3,251.3 983.4 4,873.1
1,417.7
Malaysia
63.0 20.1 126.8 39.0 453.9 138.8
New
Zealand
38.2 11.8 54.6 16.6 117.6 35.5
Pakistan
330.1 107.3 566.6 179.3 1,916.2 584.3
Philippines
169.8 54.8 316.3 99.2
1,158.9 353.9
Singapore
22.0 6.8 52.6 15.7 186.9 56.7
South
Korea
246.3 75.5 542.2 164.3 1,569.9 475.4
Sri
Lanka
86.0 26.9 148.0 45.1 409.0 125.0
TADA Chinese Taipei
138.0
43.1
253.4
76.6
659.3
199.4
Thailand
229.1 71.4 450.2 137.2 1,233.2 377.0
ADI Asya at Pasipiko
12,844.3
4,005.9
22,327.6
6,825.2
59,910.6
18,238.7
Hindi ADI Asya at
Pasipiko
859.3 276.2 1,399.6 437.1 4,730.9
1,448.6
Buong
Rehiyon
13,703.6 4,282.1 23,727.1 7,262.3 64,641.5 19,687.3
Ang mga ibang pagsusuri ay nagbigay ng mga resultang may kaunting kaibahan batay sa
kanilang mga metodolohiya. Subali’t ang salot ng demensiya ay isang bagay na tiyak dahil
ang mga bilang ng taong may demensiya ay tumataas sa pagtanda ng populasyon. Ang
Demensiya sa Rehiyon ng Asya at
Pasipiko: Ang Salot ay Naririto
4
mga may edad na higit sa 60 taong gulang sa Asya at Pasipiko ay tataas mula sa ilalim ng
10% ngayon hanggang sa 25% ng kabuuang populasyon bago dumating ang taong 2050,
at ang mga higit sa 80 na taong gulang, mula sa 1% hanggang sa 5% ng populasyon.
Bukod sa pagtaas sa bilang ng mga taong may demensiya, mayroong ibang mga sanhi na
lalong magpapasama sa epektong pangsosyal at pang-ekonomiko ng demensiya. Kabilang
dito ang paglaganap ng mga siyudad, ang mga paglayo ng mga pinalawak na pamilya at
patungo sa mga nukleyar na pamilya, at ang tumataas na bilang ng mga matatanda na
namumuhay na mag-isa. Ang kakayahan sa pag-aalaga sa mga ganitong tao ay
nakasalalay sa isang paghahalo ng pormal at di pormal na pag-aalaga. Maraming mga
bansa sa rehiyon ng Asya at Pasipiko ang maaaring hindi maging handa na magbigay ng
serbisyo ng kalusugan at pag-aalaga nang may mataas na kalidad sa mga taong mayroong
demensiya at sa mga tagapag-alaga ng kanilang pamilya.
Ang demensiya ay maaaring magdulot ng malaking pinsala sa sistema ng kalusugang
pampubliko sa mga bansa sa Asya at Pasipiko. Hindi lamang dahil sa “pagputi ng buhok”
ng populasyon kundi dahil ang demensiya ay isa sa mga pinakamasalanta sa lahat ng mga
sakit na talamak. Ang “kabigatan ng sakit” ay sinusukat sa pamamagitan ng mga bilang ng
taon nang malusog na pamumuhay na nawala bunga ng isang kondisyon. Ito ay ang
kabuuan ng “kabigatan ng dami ng namamatay” (ang mga taon ng buhay na nawala dahil
sa maagang pagkamatay) at ng “kabigatan ng pagkainutil” (ang mga taon ng malusog na
pamumuhay na nawala bunga ng kapinsalaan). Batay sa datos ng World Health
Organization, mayroong ebidensiya na nagmumungkahi na:
Ang mga sakit na bunga ng mga kondisyong may kinalaman sa ulo o sa isip ay
pangalawa lamang sa kabigatan ng pagkainutil na bunga ng mga sakit na
nakahahawa at parasitiko.
Ang kabigatan ng sakit ng demensiya ay labis pa sa malarya, tetanus, kanser sa
suso, pag-aabuso sa droga o giyera, at:
Ang kabigatan ng sakit ng demensiya ay tinantantiyang tataas nang higit sa 76% sa
loob ng susunod na ikaapat na bahagi ng siglo.
Kung papaano ito isasalin batay sa mga gastos sa kalusugang pampubliko ay magkakaiba
nang malaki batay sa bansa at uri ng paghahalo ng pag-aalaga ang ibinibigay, bagaman
ang mga gastos ay tataas batay sa pangkalahatang produktong domestiko samantalang
ang paglaganap ay tumataas. Ang pinaka-epektibong paraan para makapagtipid ay kung
ang pagsimula ng demensiya ay maaaring maantala o ang pangyayari ay mabawasan sa
pamamagitan ng mga pamamaraan ng pag-iingat na bunga ng bagong pagsasaliksik.
Para sa 15 na miyembrong-organisasyon ng ADI sa rehiyon ng Asya at Pasipiko, tinantiya
ng Wimo atbp (2006b) ang halaga na gagastusin para sa demensiya sa $60.4 bilyon (sa
dolyar ng US sa taong 2003). 70% ng kabuuang gastos sa pag-aalaga sa may demensiya
sa rehiyon ay tinantiyang umiiral para sa mga abanteng ekonomiya, na kung saan may
18% na paglaganap.
Ang Hamon
Mayroong mga malaking paghamon para sa Organisasyon ng Kalusugan sa Mundo (World
Health Organization) at mga pamahalaan sa Asya at Pasipiko na baguhin ang:
Kakulangan sa pagkaunawa sa demensiya at sa mga maraming bansa, ang
paniniwala batay sa kanilang kultura na walang ganitong sakit o ang istigma na
nakakabit sa ganitong kondisyon.
Ang palagay na ang demensiya ay isang likas na bahagi ng pagtanda at hindi isang
resulta ng sakit.
Demensiya sa Asya at Pasipiko:
Ang Salot ay Naririto
5
Hindi sapat na mga pamamaraan at kakayahan ng tao o pananalapi upang
matugunan ang mga pangangailangan sa pag-aalaga at kakulangan sa patakaran
sa pag-aalaga ng mga taong may demensiya.
Mataas na mga antas ng institusyonalisasyon sa mga lungsod sa ilang mga bansa
at kakulangan ng mga kagamitan o kaluwagan sa ibang mga rehiyon.
Hindi sapat na pagsasanay ng mga propesyonal na tagapag-alaga at kakulangan
ng suporta para sa mga tagapag-alaga sa pamilya.
May marami at mabuting payo kung papaano matutugunan ang mga ganitong paghamon.
Ang malungkot para sa mga taong may demensiya at sa kanilang mga pamilya at mga
tagapag-alaga sa Asya at Pasipiko ay kung ang ganitong payo ay hindi maisasakatuparan.
Una, mayroon ngayong mabuting pagkaunawa sa pinagdaraanan ng demensiya, simula sa
mga maagang paghihirap na humahantong sa mga pinong pagbabago sa memorya at
pagkilos hanggang sa lubos na pag-asa sa pag-aalaga at pagkawalang-kaya. Bagaman
ang ganitong pinagdaraanan ay mag-iiba sa bawa’t indibidwal, ito ay walang lubag sa
pagkawala ng pagsasarili ng indibidwal. Ang mga kinakailangang serbisyo para tumugon
ay mag-iiba sa iba’t-ibang mga bahagi sa pinagdaraanan at sa mga pangangailangan ng
indibidwal.
Pangalawa, ang isang plano ng aksiyon para sa demensiya batay sa “mga
pinakaminimong aksiyon” ay iniharap sa ika-20 Komperensiyang Pang-internasyonal ng
Alzheimer’s Disease International noong taong 2004 sa Hapon – ang Deklarasyon ng
Kyoto (kalakip ng ulat na ito).
Pangatlo, ang lumalaking bahagi ng ebidensiya ay ipinapakitang mas matipid at epektibo
ang iba’t-ibang panggagamot at mga pakinabang simula sa maagang pagsusuri, maagap
na pamamagitan at pagtuturo para sa tagapag-alaga ng pamilya, pagsasanay at suporta.
Mga Rekomendasyon
Mahigit sa kalahati ng populasyon ng mundo ay nasa mga bansa sa rehiyon ng Asya at
Pasipiko. Sa buong rehiyon, ang mga bilang ng taong may demensiya ay lalaki nang
tatlong beses mula ngayon hanggang taong 2050.
Ang mabuting pagbabalangkas at pagpaplano ng mga patakaran ng pamahalaan, katulong
ang mga pribado at organisasyon sa komunidad, ay makababawas sa halaga na
gagastusin sa tinatantiyang pagtaas ng paglaganap sa pamamagitan ng mas matipid at
epektibong pamamaraan na maghahatid ng mga resultang may kalidad para sa mga taong
mayroong demensiya at sa kanilang mga pamilya.
Tutulungan ng mga pamahalaan sa rehiyon ng Asya at Pasipiko ang mga taong mayroong
demensiya at ang mga tagapag-alaga ng kanilang pamilya kung kanilang tatanggapin na:
Ang demensiya ay isang pangkalusugang prayoridad.
Mayroong mga matipid at epektibong paraan ng pamamagitan.
Ang mga balangkas ng patakaran at mga plano ay sumusuporta sa lahat ng sektor
sa paggawa ng kakaibang resulta para sa mga taong mayroong demensiya at sa
kanilang mga pamilya.
Ang Deklarasyon ng Kyoto 2004 ay nagbibigay ng isang praktikal na paraan ng pagsulong
at ng balangkas para sa isang programa ng aksiyon sa mga Pamahalaan, sa mga
di-pampamahalaang organisasyon at iba pang mga nagmamalasakit. Ang ilang mga
Pamahalaan ay nagdeklara na ng kanilang mga pambansang patakaran.
Demensiya sa Rehiyon ng Asya at
Pasipiko: Ang Salot ay Naririto
6
Ang lahat ng mga Pamahalaan sa Asya at Pasipiko ay nagrerekomenda na:
1
Isaalang-alang at ipagtibay ang Deklarasyon ng Kyoto, alinsunod sa kanilang sariling
mga sitwasyon batay sa kanilang populasyon, kultura at pangangalaga ng
kulusugan.
2
Gumawa ng mga pambansang estratehiya para sa demensiya ayon sa kanilang mga
indibidwal na pangangailangan na:
Maglilikha ng isang kondisyon para sa pagbabago sa pamamagitan nang mas
malawak na pagkaunawa at pag-aalis ng istigma ng demensiya.
Magtayo ng mga mas epektibong grupo ng mga mamamayan at mga koalisyon
para sa ugnayan ng mga gumagawa ng patakaran, mga manggagamot, mga
mananaliksik, mga tagapag-alaga at mga taong mayroong demensiya.
Magtataguyod ng pagtatayo ng mga pangunahin at pangkomunidad na serbisyo ng
pangangalaga na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga taong mayroong
demensiya at ng kanilang mga tagapag-alaga ng pamilya.
Magbibigay ng impormasyon tungkol sa pagsunod sa mga estilo ng pamumuhay na
makababawas sa panganib ng demensiya.
Tugunan ang mga espesyal na pangangailangan, kabilang ang mga taong
kasisimula pa lamang magkaroon ng demensiya, at mga taong may mga sintomas
ng demensiya (BPSD) batay sa kanilang pagkilos at pag-iisip.
3.
Magtaguyod ng pamumuhunan sa pagsasaliksik para sa sanhi, pag-iingat at
pangangalagang may kalidad para sa mga taong may demensiya.
Ang isyu ng demensiya ay sapat na mahalaga upang pangatwiranan ang pagtutulungan sa
pagitan ng mga pamahalaan sa rehiyon. Maaari itong mangyari sa pamamagitan ng
panimulang pagpupulong ng mga Ministro o mga tagapaggawa ng patakaran upang
isaayos ang isang pinagsamang plano o pagtutulungan, halimbawa, sa mga aspeto ng
pananaliksik at paghahatid ng mga serbisyo.
Access Economics
21 Setyembre 2006
Demensiya sa Asya at Pasipiko:
Ang Salot ay Naririto
7
DEKLARASYON NG KYOTO
:
MGA PINAKAMABABANG AKSIY
O
N NA KAILANGAN PARA SA
PANGANGALAGA NG MGA TAONG MAYROONG DEMENSIYA
Sampung
kabuuang
rekomendasyon
Sitwasyon A
Mababang antas ng mga
kakakayahan
Sitwasyon B
Katamtamang antas ng
mga kakayahan
Sitwasyon K
Mataas na antas ng mga
kakayahan
1. Magbigay ng
paggamot sa
panimulang
pangangalaga
Tanggapin ang pangangalaga sa
demensiya na isang bahagi ng
panimulang pangangalaga sa
kalusugan. Ibilang ang pagtanggap at
panggamot ng demensiya sa
kurikulum ng pagsasanay ng lahat
mga tauhan sa pangkalusugan.
Magbigay ng kursong pangrepaso sa
pagsasanay ng mga doktor para sa
panimulang pangangalaga (50% man
lamang ang masakop sa 5 taon).
Gumawa ng mga materyales
sa pagsasanay na angkop sa
lokal. Magbigay ng
pagsasanay na pangrepaso
sa mga doktor para sa
panimulang pangangalaga
(100% ang masakop sa 5
taon).
Pagbutihin ang pagiging
epektibo ng pangangasiwa
ng demensiya sa
panimulang pangangalaga
sa kalusugan. Pagbutihin
ang takbo ng mga reperal.
2. Isaayos na
maaaring makuha
ang mga angkop na
paggamot
Dagdagan ang pagkakataong
makuha ang mga lubhang kailangang
mga gamot para sa demensiya at ang
kasamang sintomas ng pag-iisip at
pagkilos. Gumawa at tasahan ang
mga pinagbabatayang pamamagitan
sa pagtuturo at pagsasanay ng mga
tagapag-alaga.
Tiyakin na maaaring makuha
ang mga lubhang kailangang
gamot sa lahat ng sitwasyon
ng pag-aalaga sa kalusugan.
Isaayos na maaaring
makuha ang lahat ang mga
pamamagitan ng mga
tagapag-alaga
Magbigay ng mas madaling
paraan sa pagkuha ng mga
bagong gamot (tulad ng
anticholinesterase agents)
sa ilalim ng mga planong
publiko o pribadong
paggamot.
3. Magbigay ng
pangangalaga sa
komunidad
Itaguyod ang prinsipyo na ang mga
taong mayroong demensiya ay mas
magaling na masusuri at magagamot
sa kanilang mga tahanan. Gumawa
at itaguyod ang mga huwarang
pagsusuri ng mga pangangailangan
na ginagamit sa panimula at
pangalawang antas ng
pangangalaga. Simulan ang mga
proyektong tularan sa pagtatayo ng
mga pangkat sa pangangalaga sa
komunidad ayon sa iba’t-ibang
disiplina, pangangalagang pang-
araw-araw at maikling panahong
pamamahinga. Ilipat
ang mga taong
mayroong demensiya na nasa mga
di-angkop na institusyon.
Simulan ang panimulang
proyekto sa pag-ugnay ng
pangangalaga sa demensiya
sa pangkalahatang pag-
aalaga ng kalusugan.
Maglaan ng mga kagamitan
o kaluwagan para sa
pangagangalaga sa
komunidad (50% o higit ang
sakupin ng pangkat ng
pangangalaga sa komunidad
mula sa iba’t ibang disiplina,
pang-araw-araw na
pangangalaga,
pamamahinga, at mga
pasyenteng ilalagay sa
ospital dahil sa matinding
pagsusuri at panggagamot).
Batay sa pangangailangan,
tulungan ang pagtatayo ng
mga tahanang panuluyan o
sa panggagamot, kabilang
ang balangkas sa
pagpalakad at sistema para
sa pagsasanay ng mga
tauhan at pagkilala ng
kanilang mga akreditasyon.
Magbuo ng alternatibang
mga tahanang panuluyan.
Maglaan ng mga kaluwagan
sa pangangalaga sa
komunidad (100% na
saklaw). Magbigay ng
indibidwal na pangangalaga
sa komunidad sa mga taong
mayroong demensiya.
4. Bigyan ng
edukasyon ang
publiko
Itaguyod ang mga kampanyang
publiko laban sa istigma at
diskriminasyon.Suportahan ang mga
di-pampamahalaang organisasyon sa
kanilang pagtuturo sa publiko
Gamitin ang media sa
pagtataguyod ng kaalaman
tungkol sa demensiya,
pagyamanin ang mga
positibong aktitud, at
tulungang pigilang mapinsala
ang isipan at demensiya.
Maglunsad ng mga
kampanyang publiko para sa
maagap na pagkuha ng
tulong , pagkilala at angkop
na pagkontrol ng demensiya.
5. Isali ang mga
komunidad, mga
pamilya at mga
kliyente
Suportahan ang pagtatayo ng mga
grupong nagsasarili. Pondohan ang
mga panukala ng mga di-
pampamahalaang organisasyon.
Tiyakin na kasali ang mga
komunidad, mga pamilya, at
mga tagagamit sa paggawa
ng mga patakaran, pagtatayo
ng mga serbisyo at kanilang
pagpapatupad.
Pagyamanin ang mga
inisyatiba sa pagtataguyod.
Demensiya sa Rehiyon ng Asya at
Pasipiko: Ang Salot ay Naririto
8
6. Gumawa ng mga
patakarang
pambansa, mga
programa at batas
Baguhin ang batas batay sa
kasaluyukang kaalaman at
pagsasaalang-alang sa mga
karapatan pantao. Gumawa ng mg
programa at patakaran para sa
pangangalaga ng demensiya.
- Ang balangkas ng batas na
susuporta at magtatanggol sa mga
taong may kapinsalaan sa pag-iisip
- Pagsali sa mga taong may
demensiya sa mga panukalang
pakinabang para sa mga may pinsala
- Pagsali sa mga tagapag-alaga sa
mga panukalang kabayaran at
pakinabang.
Gumawa ng mga badyet para sa
pangangalagang pangkalusugan at
pangsosyal ng mga matatanda.
Ipatupad ang mga
patakaran para sa
pangangalaga ng demensiya
sa parehong antas ng
pambansa at ilalim nito. Itaas
ang badyet para sa
pangangalaga ng kalusugan
ng pag-iisip.
Tiyakin ang pantay-pantay
na paggamit sa mga
primarya at sekundaryong
serbisyo ng pangangalaga
ng kalusugan, at sa mga
programa at benepisyo ng
pagkakawanggawang
panglipunan.
7. Paunlarin ang
mga pamamaraang
pantao
Magsanay ng mga manggagawa para
sa pangunahing pangangalagang
pangkalusugan. Simulan ang mas
mataas at propesyonal na mga
programa ng pagsasanay ng mga
doktor at narses sa paggamot sa
sakit sa pag-iisip ng mga matatanda.
Paunlarin ang mga sentro ng
pagsasanay at kahusayan.
Gumawa ng isang sistema
ng mga sentro ng
pambansang pagsasanay
para sa mga doktor, mga
espesyelista sa sakit sa isip,
mga narses, mga sikologo,
at mga manggagawang
panglipunan.
Magsanay ng mga
espesyalista sa mas
abanteng mga kasanayan
sa paggamot.
8. Makipag-ugnayan
sa ibang mga sektor
Simulan ang mga programa sa
pagpapaunlad ng kaalaman tungkol
sa demensiya sa komunidad, sa
paaralan at sa lugar ng trabaho.
Pasiglahin ang mga gawain ng mga
di-pampamahalaang organisasyon.
Palakasin ang mga
programang
pangkomunidad.
Mga serbisyo ng kalusugang
pantrabaho para sa mga
taong may maagang
demensiya. Magbigay ng
mga espesyal na kagamitang
pangkaluwagan sa lugar ng
trabaho para sa mga
tagapag-alaga ng mga taong
may demensiya. Simulan
ang pagtataguyod ng mga
programa para sa kalusugan
ng pag-iisip batay sa
ebidensiya at
pakikipagtulungan sa ibang
mga sektor.
9. Imonitor ang
kalusugan ng
komunidad
Ibilang ang demensiya sa mga
saligang sistema ng impormasyon
tungkol sa kalusugan. Suriin ang mga
grupo ng populasyon nasa mataas na
panganib.
Simulan ang pagmamatyag
sa maagang demensiya sa
komunidad.
Gumawa ng mga abanteng
sistema na pagmomonitor.
Imonitor ang pagiging
epektibo ng mga programa
ng pag-iingat.
10. Suportahan ang
mas maraming
pagsasaliksik
Pag-aralan ang mga sitwasyon ng
panimulang pangangalaga sa
kalusugan tungkol sa paglaganap, sa
takbo, resulta at epekto ng
demensiya sa komunidad.
Simulang pag-aralan ang
pagiging epektibo at mas
matipid ng pangangasiwa ng
demensiya sa komunidad.
Ipagpatuloy ang
pagsasaliksik sa mga sanhi
ng demensiya. Isagawa ang
pagsasaliksik sa paghahatid
ng serbisyo. Imbestigahan
ang ebidensiya ng pag-iingat
sa demensiya.
Dostları ilə paylaş: |